Sustento na binibigay ng lalaki

492 viewsLegal Processes

Sustento na binibigay ng lalaki

Hello po atty. tanong ko lang po sana nag tatrabho po ang asawa ko pero minimumwage lang ang sahod nya may 3 anak sya sa pag ka binata ngayon nakakapag bigay naman sya ng pera pero maliit lang 2k lang pero pag ka may hiningi naman ang bata na gusto ipabili nabibigay naman may maikakaso po ba sakanya? Salamat po

Miles Fajardo Answered question October 3, 2023

Panong cover po?

0

Kung hindi sapat ang binibigay na sustento ng ama ng mga bata. Ito po ang mga pwede niyo gawin sa pagkasunod sunod:

  1. Mag punta po kayo ng barangay niyo at magreklamo about sa maliit at hindi sapat na sustento. Ang objective niyo po sa barangay ay makakuha po kayo ng kasunduan about sa kung magkano talaga ang dapat na sustento na ibibigay ng ama.
  2. Kapag walang kasunduan na naganap, kumuha po kayo ng “Certificate to File an Action” (CFA) sa barangay niyo.
  3. After makuha ang CFA, pwede po kayo magpunta sa pinakamalapit na Public Attorney’s Office (PAO) para po makahingi kayo ng tulong na makapag sampa ng kasong “SUPPORT” sa korte. Ito po ay kasong civil lamang. Note po na pwede din kayo magkaso ng Violence Against Womens and thier Children (VAWC) kung papasok po ang economic abuse with psychological abuse. Ikwento niyo po sa isang PAO attorney ang inyong buong kwento at malalaman ng PAO niyo if pasok ang VAWC.
  4. Si PAO lawyer na po ang bahala magsabi ng ibang kailangan niyo na detalye para makapag sampa ng kaso.

Disclaimer: Please be advised that the following information is provided solely for general reference and informational purposes. It is not intended as a comprehensive or articulate legal advice due to the absence of complete knowledge regarding the specific circumstances of the case or issue at hand. Kindly consider this as a general overview to gain a preliminary understanding of your situation

Miles Fajardo Answered question October 3, 2023
0
You are viewing 1 out of 1 answers, click here to view all answers.