Denied Demand Letter How to File Case Under RA9262
Denied Demand Letter How to File Case Under RA9262
- Atty. Nagpadala na po ako ng Demand Letter sa tatay ng anak ko at wala parin po siyang solusyon. Ano po kaya ang pwedeng kong i kaso? 3 buwan napo siyang walang pakialam at walang sustento, hindi napo nia nasusunod yung pinermahan sa VAWC. Sobrang depress ko na po talaga.
May Kaso po ba na nasa korte ngayon? Sa question mo kasi, ang pag ka intindi ko ay nagkaroon kayo ng Amicable Settlement sa Court, kasi kamo may pirmahan kayo.
- If merong nakabinbin na kaso sa korte, ang gagawin mo lang ay ipapabukas mo ang kaso ulit, dahil hindi siya tumupad sa kasunduan. Sumanguni ka ulit sa lawyer na nag handle ng case mo.
- If wala pa naman na file na kaso na Violence against women and their children (VAWC),
a. una, mag file ng complaint sa barangay, kapag hindi nagkasundo, kumuha po ng certificate to file an action
b. after po makakuha ng certificate to file an action sa barangay, kakailanganin niyo po gumawa ng complaint-affidavit na ipapasa niyo sa City Prosecutor’s Office, karaniwan po makikita ang prosecutor’s office malapit po yan madalas sa City Hall, if not, hanapin niyo nalang po kung saan sa nasasakupan niyo na City. Sa pag gawa po ng complaint-affidavit kailangan po ng assitance ng lawyer, pwede po kayo sumanguni sa PAOs office, meron po sila nakatalagang women’s desk po duon. Sa bawat city rin po merong PAOs office na matatagpuan din malapit sa City Hall. Makakakuha na po kayo ng information pano makapag pasa ng complaint-affidavit sa prosecutor’s office.
NOTE: Ang VAWC po ay isang kasong kriminal. May kulong po ito. Pag isipan po ninyo muna mabuti kung itutuloy niyo na kasuhan siya, pwede naman po muna kayo mag usap sa barangay.
Disclaimer: Please be advised that the following information is provided solely for general reference and informational purposes. It is not intended as a comprehensive or articulate legal advice due to the absence of complete knowledge regarding the specific circumstances of the case or issue at hand. Kindly consider this as a general overview to gain a preliminary understanding of your situation


Dahil nasa province ka na, try to PAOs office dyan na malapit sainyo. Dahil ma ang mga documents na meron ka and try to request sa PAO na gusto mo na mag sampa ng VAWC. Bago ka tulungan ng PAO you need certificate of Indegency na makukuha sa malapit na DSWD office sainyong lugar.
Salamat po maam sa karagdagang ideya na shinare nio, ang nasettle lang po namin ay yung sa VAWC sa Brgy sa Manila nung 2021. Then nitong mga nakaraan lang, 3 months na wala na syang sustento at paramda.. Pumunta po ako ng PAO dito saamin at pinadalhan na sia ng Demand Letter kasi nasa malayo na po ako, nasa Probinsya na. Samething nagmamatigas sya at ghosting ulit. Gustoko na po syang kasuhan para di ma tolerate.