May laban ba ang lalaki sa VAWC kung setup lang ng babae?
May laban ba ang lalaki sa VAWC kung setup lang ng babae?
May cases po ba na di nahatulang guilty ang lalake sa kasong VAWC?
Yung lalake buhat sapul nagsusustento naman. Nagkaanak po sya sa babaeng yun nung 19yrs old sya. Di sila kasal. May naunang anak pa yung babae sa ibang lalake.
Matagal na silang wala nung babae pero madalas bigla bigla na lang nagpaparamdam
Sinetup po nung babae yung lalake kasi nabalitaan nung babae na may gf na yung lalake.
Madaling araw tumawag yung babae dun sa lalake. Pinipilit magkita sila kundi magpapakamatay daw sya at ichachat nya yung pamilya ng gf nya kung di sisipot. E ayaw nyang magulo pamilya ng gf nya lalo’t bago pa lang sila kaya pinuntahan nya.
Nag away sila pero di nagkasakitan. Nagselfie pa yung babae at sinama nya sa picture yung lalake saka isinend ng babae sa gf ng lalake, para pagselosin na magkasama sila. Nung nasa car sila inaagaw nung babae yung cp nung lalake. Nung nakuha saka ibinato. Bumaba yung lalake sa sasakyan para kunin yung cp pero ginawa nung babae itinakbo yung sasakyan nya. Iniwan sya dun.
Sinaktan yung sarili saka dumulog sa women’s desk.
Yung babae na yun may ilang blotter na sa brgy. Dahil nga mahilig mag iskandalo. Kaya yung mga blotter nya na yun kinuha ng lalake as evidence tapos naka authenticate.
Yung proof sana na tumawag yung babae sa lalake asa cp kaya lang nabasag nung babae nung binato nya cp nung lalake na yun
Nauwi sa kaso at naaresto yung lalake kaya nadetain ng 2 days yata yun tapos temporary nakalaya nagbail
Nung yung babae tinanong sa ilang hearing, paiba iba mga sagot nya.
May 2 witnesses din po pala yung lalake. Isa e yung mga panggugulo nung babae nun sa mga blotter. Tapos yung isa naman, yung taga brgy nila na nakakita na dinrive nung babae yung kotse nung lalake nung araw na yun at inatras ng sobra hanggang magasgas likod
Sa monday na babasahan yung lalake kung guilty or not. Tapos na po mga hearing nila e
Sa katanungan niyo kung may nananalong lalake sa VAWC Cases, yes po meron na, basta mapatunayan ng lalake na inosente siya, at eto ay suportado ng ebidensiya.
Patungkol sa iyong katanungan sa isang aktwal na kaso, ikinalulungkot po namin na hindi kami maaring magbigay ng komento sapagka’t ang kaso ay nakabinbin pa (still pending) sa korte, eto ay naayon sa Sub-Judice rule.
Binigyan ng paliwanag ng Korte ang konseptong et sa kaso P/Supt. Marantan v. Atty. Diokno, et al., na kung saan sinabi ng Korte Suprema na:
“The sub Judice rule restricts comments and disclosures pertaining to the judicial proceedings in order to avoid prejudging the issue, influencing the court, or obstructing the administration of justice. A violation of this rule may render one liable for indirect contempt under Sec. 3(d), Rule 71 of the Rules of Court, xx x.
x x x
The proceedings for punishment of indirect contempt are criminal in nature. This form of contempt is conduct that is directed against the dignity and authority of the court or a judge acting judicially; it is an act obstructing the administration of justice which tends to bring the court into disrepute or disrespect. Intent is a necessary element in criminal contempt, and no one can be punished for a criminal contempt unless the evidence makes it clear that he intended to commit it” (726 Phil. 642 (2014))


Ako ay nagagalak at nanaig ang hustisya para sa kanya. Walang ano man. Mag-iingat po kayo.
Thank you. Nung nakaraan ko pa po post eto. Okay na po, naipanalo naman awa ng Diyos. Kahit pa may medico legal yung babae. Contradicting po kasi yung salaysay nung babae at sa mga sagot nya sa hearing. Nalaman na nagsisinungaling lang sya at gawa gawa nya lang ang isang maliit na gasgas sa katawan nya.