Retrenchment or permanent termination without prior notice
Retrenchment or permanent termination without prior notice
Good Day po!
Ask ko lang po sana about sa mga hawak kong tao sa previous company ko po. Dati po akong Team Leader sa POGO/Online casino, chinese employer pero under po ng PH agency. Mahina na po kasi yung company at wala ng masyadong transactions kaya po nagbabawas ng manpower, nagbigay po sila ng lists ng mga names ng tao na mauunang mateterminate na naka-base sa performance ng staffs on the spot po yung termination walang 1 month prior notice pagkalabas ng lists di na sila pinapasok, and ang nire-reason out na reason for termination is yung overall performance. Understandable naman po na mas gusto nilang i-let go yung may bad performances sa work. Pero sa nature of work po kasi sa online casino, may mga mistakes po na tinatawag kasi pera yung hawak hindi maiwasan na magka-mali minsan sa transactions pero lahat po yon may corresponding penalty at may signed incident report po every month na settled yung mistakes not unless sobrang pabaya po nung staff na talagang sunod sunod yung pagkakamali ayun po tinatanggal agad. And kada magkakamali po yung tao is may kaltas po sa incentives nila yung maling transactions kasama nadin yung ibang bad performances like lates and tardiness lahat po yon deducted sa incentives na makukuha monthly. My point po is, resolved yung issue every month.
Ngayon po wala pong seperation pay silang binibigay kasi binabase daw nila sa pasts records. Which very unreasonable po dahil first of all the staffs already paid the corresponding penalties every time na magkakamali sila, kung grounds po sya for termination dapat noon pa po natanggal yung mga staffs everytime na magkakamali sila pero now po na gagawin nilang reason bigla just because need magbawas ng tao. Okay lang naman po sana na gagawin nilang basehan yung overall performance pero dapat legal yung process.
May main question po, may laban po kapag ganto? First of all po walang 1 month prior notice sa employees terminate agad at hindi rin reported sa DOLE na magbabawas sila ng tao. Wala pong separation pay na binibigay kesyo bad records daw. And worsts hindi po alam ng PH agency na magbabawas sila ng staffs nalaman nalang nung nagreklamo yung mga staffs sa agency kasi biglaan yung nangyari.
I hope may makatulong po samin dito. Malaking bagay po to lalo na sa mga taong hawak ko po dati lalo’t magpapasko din po. Maraming salamat po!
Maari ko bang malaman ang nature of employment ng mga employees na tinggal? sila ba ay permanent or regular employees? Sila ba ay under probationary period?
Maari ko ba makita ang kontrata na pinirmahan ng employee at ng employer? kung meron man. Salamat