Ayaw magbayad ng utang

562 viewsLegal Processes
0 Comments

Ayaw magbayad ng utang

Hello Atty, gusto ko lang po mag seek ng legal advice. Nai-stress na ako kasi ayaw magbayad ng utang nung taong kasamahan ko na nag loan sa UB. Last May, inofferan kami ng UB quick loan ng 70k, then napagkasunduan naming magkakatrabaho na kunin yun at paghatihatian. Mayroon kaming kasulatan na pirmado nila at magbabayad ng halagang Php 1,225 every month for 12 months. May isa po kaming kasama na nagloan na nag AWOL sa trabaho. Nung una, responsive sya sa amin at nagsasabi na mag babayad sya hanggang netong nakaraan, hindi na sya sumasagot sa mga message namin kahit nababasa naman nya ito. Hindi lang ako ang nakuhanan nya ng loan. Sa akin, ang total ng utang nya ay nasa Php 12,250 pa at around 13k-14k pa yung utang nya sa isa naming kasamahan na nakuhanan din nya ng loan. Sa ngayon, patuloy pa rin kami na nag rereach out sa kanya pero mas pinipili nya na hindi sumagot. Sobrang desperado at stress na kami na magbayad sya dahil kami mismo, hindi na rin alam kung saan kukuha ng pera. Nakaka stress kasi nababawas sa sinasahod namin yung nakuha. Paano po ba ang dapat kong gawin? We have LOAN AGREEMENT na pirmado nya. Ano po kaya next step na pwede ko gawin once ma pa notaryo ko yung Loan agreement namin? Maraming salamat po sa sasagot.

Miles Fajardo Answered question September 20, 2023
0

1st – write a demand letter at ipadala sa address niya pwede thru LBC. Tiyakin na makukuha niya ang demand letter. Kunin ang proof of service and proof of receipt, makukuha mo yan sa LBC din.

2nd – Mag punta sa Barangay na nasasakupan niyo kung mag ka-barangay kayo. Mag reklamo sa barangay at kapag hindi nagkasundo, kumuha ng Certficate to File an Action.

3rd – After mo makuha ang Certificate to file an action sa barangay, magpunta sa MTC sa City kung saan ka nakatira, magtanong ka duon pano mag file ng Small Claims, bibigyan ka ng form for small claims at ito ay iyong i-fi-fill up at ipapasa pabalik kasama ang mg evidence na meron ka (Deman letter, Loan Agreement, Ceritificate to File an action, at mga patunay na may utang siya sayo)

Note: Ang iyong ififile ay isang Civil Action for collection of sum of money sa Small Claims Court.

Miles Fajardo Answered question September 20, 2023
1