Rights sa Lupa
Rights sa Lupa
hello po atty. Si Juan ay na-awardan ng certificate of lot award taong 2006 sa lupa kanyang tinitirhan kasama ang pamilya. Ngayon ang bayaw nya pinapabayad ang lupa dahil sya daw ang nakabili noon. Dati PNR ang lupa. Ano ang gagawin dahil pinapabarangay sila dahil pinapabayad ng 100k ang lupa.
If si bayaw ang nakabili ng lupa, kailangan meron siyang proof na nabili niya nga ang lupa. If wala siya na pruweba, maari ang kanyang sinasabi ay pawang kasinungalingan lamang.
Ang grant ng “right” sa lupa ay hindi po absolute na ibig sabihin ay siya na ang may ari ng lupa. Kailangan na ito ay ma-ilipat pa sa kanyang pangalan kasama ang mga requirements na kailangan sa Registry of Deeds.
Kapag ang “right” na ito ay naibenta sa iba, dapat ang pangalan ng bumili ay mailagda sa association of homeowners.
Siguraduhin muna po kung sino talaga ang may grant ng rights sa lupa na pinag-aawayan.
Disclaimer: Please be advised that the following information is provided solely for general reference and informational purposes. It is not intended as a comprehensive or articulate legal advice due to the absence of complete knowledge regarding the specific circumstances of the case or issue at hand. Kindly consider this as a general overview to gain a preliminary understanding of your situation